Quotable Quote

Let’s take a little breather from all the professional stuff, shall we? Here’s a little passage that was forwarded to me via email. It is written in Filipino and it talks about life in the States (or anywhere overseas for that matter). I’m pretty sure it will pull on your heartstrings. If you beg to differ, then please leave us a comment for this post. We’d love to hear your take on this. :)

BUHAY AMERIKA

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka…

Akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.

Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disney, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo namnamin ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa tiket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa pres ong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $5.00, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa pilipinas, sa America $1,000.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America. Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America. Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para magsurvive ka sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag-alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

~Anonymous

Blog Widget by LinkWithin

3 thoughts on “Quotable Quote”

  1. hello, i found you coz i googled this buhay sa amerika which i received via email and i intend to post it as well mamaya when i get home. i am in philadelphia and yes, kumakayod, pambayad sa kotse, bahay, chibog, gasolina, at kung ano ano pa. i was googling it hoping to find the writer. in any thanks kung sino man sya.

  2. I feel you, sister. What I would give to go back home anytime I want. I haven’t been home since 2004. Thought it would be best if I waited for my greencard before doing so. But it’s okay. My family’s fine and that is all I really care about. Darating din ang araw na makakasama ko sila dito.

  3. So true. Halos lahat naman tayo andito para sa mga pamilya natin. But living here is not a walk in the park, nakakalungkot lang minsan na nakakalimutan ‘to ng iba. Sulit lang ang pagod mo because you’re compensated well for the work at insured ka. I guess you just get used to living here, pero mas magiging masaya tayo kung kasama natin lahat ng pamilya natin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge